Template:Ask Mindy

From Wikipilipinas: The Hip 'n Free Philippine Encyclopedia
Jump to: navigation, search

"Magandang araw, Mindy! Nakakarindi nang marinig sa balita sa radyo o TV ang kabi-kabilang pagkahuli o pagpatay sa mga tulak o gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Kailan lamang ay nahuli pa ang isang sikat na aktor na may dala raw na isang kilo ng marijuana. Totoo bang maaari siyang makulong nang habambuhay? -Rap"


Ask-Mindy2-small.gif

Halloooo, Rap! Oo nga, maging ako'y nababahala na sa kabi-kabilang paghuli at pagpatay. Ayon sa R.A. 9165 Section 5, life imprisonment o kaya'y kamatayan at multa mula P500,000 hanggang 10,000,000 ang ipapataw sa sinumang magtitinda o mamamahagi ng ipinagbabawal na gamot. May kaukulan ding parusa ang mga tagapondo at protektor nito. Nakapaloob naman sa Section 11 nito na ang sinumang may dala ng ilegal na droga ay maaaring patawan ng habambuhay na pagkakakulong at multa mula P500,000 hanggang P10,000,000 ang ipapataw sa sinumang may dala ng ilegal na droga: 10 gramo o higit pa ng opium, morphine, heroin, cocaine, shabu, marijuana oil; 500 gramo o higit pa ng marijuana, at 10 gramo o higit pa ng ecstasy, paramethoxyamphetamine (PMA), trimethoxyamphetamine (TMA), lysergic acid diethylamine (LSD), gamma hydroxyamphetamine (GHB), at iba pang bagong labas na gamot at mga derivates nito. May kaukulan ding parusa kung mas mababa sa dami ng nabanggit ang nasabat. Dahil sa wala naman talagang buting maidudulot ang paggamit ng bawal na gamot at nanganganib pa ang buhay ng mga nagtutulak at gumagamit nito, mabuti pang habang maaga'y tigilan o iwasan na ito.